Advertisers

Advertisers

Coco todo-deny na tinanggihan sa TV5

0 421

Advertisers

ISA pa sa mga Kapamilya star na nagtangkang lumipat matapos na hindi mapagbigyan ang pagre-renew ng prangkisa ng Kapamilya network ay si Coco Martin.

Kaya naman sa isang vlogger na tinutukoy na tinanggihan ng TV 5 eh si Coco.

Nagtataka naman ang mga solid Cardo Dalisay sa tsika ng vlogger na ni-reject si Coco sa nasabing TV network.



Dagdag pa ng mga avid followers ni Coco na paano raw lilipat ito ng himpilan eh busy na ang lead actor sa “Ang Probinsiyano.”

Pagpapatunay pa ng kampo ni Coco na paano raw mag-a-apply ang bida sa AP eh abala ito sa teyping ng nasabing action serye na kasalukuyang nawa-watch sa iWant, You Tube at Skycable.

Pagtatanggol pa ng followers ni Cardo paano tatanggihan ng TV5 eh never naman daw ito nag-apply sa Kapatid network.

Mas pinaboran pa raw sina Jose Manalo, Pokwang, Wally Bayola at Paolo Ballesteros ng TV 5 kaysa Coco.

M-W-F mawa-watch ang show nina Jose at Pokwang na “Fill in the Banks” at T-TH-S naman ang show nina Wally af Paolo na “Bawal Game Show.”



Hirit pa ng avid fan ni Coco, “Paano tatanggihan eh never naman nag-apply?”

At huwag na nga raw ipagpilitan ng mga basher na hindi tinanggap ang kanilang idolo sa TV 5.

***

Ate Gay nagtitinda na lang ng siomai

SA panahon ng pandemya eh kanya-kanya na talagang diskarte ang ginagawa ng ilang taga- entertainment partikular mga stand up comedian na lubos na naapektuhan.

Tuluyan nang nagsara ang maituturing nilang bread and butter na comedy bar kaya naman kailangang kumilos at huwag magwalang bahala.

Mahirap man tanggapin ni Ate Gay na mahigit dalawang dekada nagpasaya ng entablado, ngayon  eh nanamlay na ang kanilang pangkabuhayan.

Hindi naman nagsayang ng panahon si Ate Gay at kumuha ng stall ng siomai sa Tondo at ito na ngayon ang kanyang kabuhayan sa araw-araw.

Never nahiya si Ate Gay bagkus kinarir na niya ang pagtitinda ng siomai na hinaluan niya ng entertainment.

Kada bumibili ng kanyang siomai eh nagpapa-picture sa kanya kaya  kahit nakakapagod eh sulit naman dahil sold out lahat ng siomai ni Ate Gay.

Well, well, well…’Yun na!  (Jovi Lloza)