Advertisers

Advertisers

Bebot pinasabog ang ulo habang naglalakad

0 410

Advertisers

PATAY ang isang babae nang barilin ng maskaradong lalaki habang naglalakad sa Tondo, Manila kahapon ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Jennylyn Marcos, 37, residente ng Int. 51 Raxabago, Dagupan Ext., Tondo, habang nakatakas naman ang salarin na hindi nakilala dahil sa suot nitong maskara.
Sa ulat, 9:30 ng umaga nang maganap ang krimen sa may Raxabago.
Kasalukuyan umanong naglalakad ang biktima sa lugar nang lapitan ng salarin at kaagad binaril sa ulo bago mabilis na tumakas.
Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang insidente para sa agarang ikareresolba nito. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)