Advertisers
INARESTO ng anti-narcotics operatives ang isang babaeng drug dealer nitong Biyernes sa Kalinga.
Sa ulat, kinilala ni Police Regional Office–Cordillera regional director Brig. Gen. R’Win Pagkalinawan ang suspek na si Jovielyn Paclay Bayog, 33.
Nagbenta si Bayog ng 15 bloke ng marijuana sa halagang P1.8 milyon sa mga operatibang nagpanggap na buyer.
Inilunsad ng Kalinga Provincial Police Office (PPO), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Kalinga, at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang operasyon.
Isang “high-value individual” si Bayog sa listahan ng drug suspects sa Kalinga. (PFT team)