Advertisers
ARESTADO ang lima katao ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa drug buy-bust operation sa Taguig City nitong Sabado.
Nasakote ng mga tauhan ng PDEA-Southern District Office, PDEA Region IV-B at Taguig Police Station Substation-4, 12:30 ng hapon sa 501 General Luna St., Barangay Ususan ang mga suspek na sina Ronald Cao alyas Komang, Mary Ann Estacio alyas Me-Ann, Jonathan Gabriel Paras alyas John, Dave Estacio alyas Jhun-jhun at Alan Mark Dinglasan.
Nakuha sa grupo ang 500 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon. Itinago ang droga sa isang plastic bag na isinilid sa brown paper. (Gaynor Bonilla)