Advertisers

Advertisers

𝟐 π¦π’πžπ¦π›π«π¨ 𝐧𝐠 πŠπ…π‘ 𝐩𝐚𝐭𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐞𝐧𝐠𝐀𝐰𝐞𝐧𝐭𝐫𝐨

0 635

Advertisers

PATAY ang dalawang miyembro ng Kidnap for Ransom Group (KFR) nang manlaban sa mga elemento ng Philippine National Police- Anti Kidnapping Group (PNP AKG) sa operasyon sa San Mateo, Rizal.
Nakilala ang napatay na si Nathaniel James Recto alias Tonton ng San Mateo, Rizal, habang inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilan ng kasama nito na miyembro ng β€˜Cutad KFRG’.
Ayon kay BGen Jonnel Estomo, Director ng AKG, 11:45 ng gabi nang makaengkwentro ng mga elemento ng AKG sa pamumuno ni Col. Edward Cutiyog sa Brgy. Gulod, Malaya, San Mateo.
Nagsasagawa ng surveillance operation ang mga otoridad upang ihain ang 3 warrant of arrest na ipinalabas ni Hon. Josephine Zarate- Fernandez ng RTC Branch 76, sa San Mateo, laban kay Recto.
Habang sinusundan ng mga operatiba ang mga suspek sakay sa isang motorsiklo nang makatunog ang mga ito kaya pinatakbo ng mabilis ang motorsiklo.
Pinaputukan ng mga suspek ang mga humahabol na operatiba, dahilan upang gumanti ng putok ang mga pulis at nasawi ang dalawa.
Ang Cutad KFRG ang responsable sa pagkidnap sa isang Mareanne Dela Rosa sa BiΓ±an, Laguna noong March 27,2013.
Narekober ng mga otoridad sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang cal. 45 pistol, 1 cal. 38 revolver, 1 Honda motorcycle na walang plaka. (π‘΄π’‚π’“π’Œ 𝑢𝒃𝒍𝒆𝒂𝒅𝒂)