Advertisers

Advertisers

NABALIW SA PAG-IBIG: MAG-UTOL PINATAY NG EX-BF

0 409

Advertisers

PATAY ang magkapatid na babae nang barilin at saksakin ng hinihinalang dating nobyo ng isa sa mga biktima sa Bacolod City.

Sa ulat, nasa kritikal na kondisyon sa ospital ang salarin nang saksak ang sarili matapos ang ginawang pamamaslang.

Kinilala ang mga biktima na sina Aimee at Jane Mahilum, kapwa nasa hustong gulang at residente ng Purok Kabugwason, Barangay Mansilingan, Bacolod City.



Guwardiyado na ng mga pulis habang nakaratay sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital ang salarin na si Alvin Lanza, empleyado ng Tough Star Engineering Works sa Gonzaga Ext., Brgy. Taculing.

Sa report, 5:45 ng hapon ng Biyernes, Hulyo 24, nang maganap ang insidente sa labas ng pinagtatrabahuhan ng lalaki at ng isa sa mga biktima.

Ayon sa ulat, sakay sa kanilang Toyota Revo (WBL-735) ang magkapatid na Mahilum, subali’t lingid sa kanilang kaalaman, naghihintay  pala ang lalaki sa labas.

Base sa report, nilapitan ni Lanza ang sasakyan at pinagbabaril ito. Tinamaan ng bala ng baril si Aimee, at sunod na pinagsasaksak sa iba’t ibang parte ng katawan si Jane na nagresulta ng agad na pagkamatay ng magkapatid.

Matapos ang ginawang krimen, nagsaksak  sa sarili Lanza.



Ayon sa pulisya, posibleng selos at galit ang motibo sa krimen ni Lanza matapos umanong hiwalayan ng kanyang nobya.

Hindi ito marahil matanggap ni Lanza dahil sa labis na pagmamahal sa isa sa magkapatid.

Hindi pa tukoy kung sino sa magkapatid na Mahilum ang nobya ni Lanza.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. (PTF team)