Advertisers

Advertisers

Misis ni Jaybee Sebastian ‘pinagbantaan’ ang mga bantay sa Bilibid – BuCor

0 607

Advertisers

ISINIWALAT ng Bureau of Corrections (BuCor) na nagbanta umano sa mga bantay ng New Bilibid Prison ang nabiyudang misis ng kidnap-for-ransom convict na si Jaybee Sebastian na namatay at agad na-cremate kamakailan dahil raw sa COVID-19.

Ipinakita ng BuCor ang footage sa NBP kungsaan ay mahahalata ang pagkumpronta ng babae sa tauhan ng NBP.

Sinabi ni BuCor Spokesperson Gabriel Chaclag na pinagbantaan ng misis ni Sebastian ang mga tauhan ng NBP na sila ay ipapapatay nito.



“Ipapapatay daw ‘yung lahat ng personnel at uubusin daw ang kanilang mga kakayahan,” ani Chaclag.

“Naiintihan natin ‘yun, kasi nagluluksa. Kaya lang ang ating personnel ay natatakot dahil alam nilang may kakayahan. Natatakot sila dahil alam naman nila na itong mga PDL na ito ay may kakayahan sila na gumawa ng ganoon. Ang sabi lang natin sa ating personnel ay mag-ingat.”

“Ang term nga nila ay ‘reresbak’ sila at hindi sila papayag na palampasin lang ang nangyari. Tine-take advantage din ang ibang grupo na sumawsaw at palabuin pa itong usapin na ito,” lahad pa ni Chaclag.

Anya, natatakot na ang mga bantay dahil alam nila na meron kakayahan ang mga Persons Deprived of Liberty o PDL sa NBP na tuparin ang mga pagbabanta nito.

Dahil dito ay hinigpitan na ng BuCor ang seguridad sa loob o labas ng kanilang mga pasilidad, matapos  malaman ang plano umano ng  supporters ni Sebastian.



Nanindigan naman ang BuCor na sinabihan nila ang pamilya ni Sebastian na namatay ito dahil sa sakit na dulot ng COVID-19.

Gayunman, hindi pinayagan ang pamilya ng inmate na makita ang mga labi nito. (Gaynor Bonilla)