Advertisers
NAGPAKITANG gilas si Tobias Harris upang buhatin ang Philadelphia 76ers laban sa makupad na Memphis Grizzlies, 90-83, sa NBA tuneup game kahapon sa Orlando,Florida.
Nagtapos si Harris ng double-double na 15 points at 10 rebounds para sa Sixers, na hindi kinalawang at umabante pa ng 29 points.
Ang 22 teams sa NBA bubble ay naglaro sa unang pagkakataon sa loob ng apat na buwan, at naghahanda para sa NBA restart sa susunod na Linggo.
Joel Embiid ay umiskor ng 10 points, lahat sa unang yugto, para sa Sixers,habang si Ben Simmons nagdagdag ng nine points at nine assists.
Ang Grizzlies, ay wala ang kanilang star player na si Justise Winslow sa boung season, ay pinamunuan ni Jonas Valenciunas, ay kumamada ng 20 points at 11 rebounds.
Kyle Anderson nagdagdag ng 14 points, kabilang ang 4 na three-pointers.
Sunod na makakaharap ng Philadelphia ang Oklahoma bago isusunod ang Dallas.
Habang ang Memphis makakasagupa ang Houston Rockets,bago ang Miami Heat.