Advertisers

Advertisers

Dra. Belo nilantad ang honeymoon pics nina Sarah at Matteo sa beach

0 382

Advertisers

MISMONG sa Instagram ng celebrity doctor na si Vicki Belo eh ibinandera nito ang mga larawan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli kasama ang anak na si Scarlet at alagang aso.

After nga na ikasal ng Pebrero at inabutan na ng pandemya dahil sa Covid-19 ay ‘di natuloy ang honeymoon.

Sa larawan na post ni Belo ay mga legs na nagpahulaan pa ang dyowa ni Hayden Kho  kung kani-kanino ‘yun na kuha sa isang beach  resort.



Hindi naman maikakaila na regalo ni Belo sa mag-asawa ang lugar kung saan sila magha-honeymoon.

Happy ang AshMatt at nagpasalamat pa kay Belo sa regalo nitong lugar para matuloy na ang kanilang honeymoon na mag-asawa.

Natutuwa rin ang Popsters dahil nakakita sila ng larswan ng couple mula sa socmed ni Belo.

Sa honeymoon ng mag-asawa  ay inaasahan ng fans na magkaroon na ng bunga ang kanilang pagmamahalan.

Tanong, kung masaya ang Popsters, masaya rin kaya ang mudra ng Popstar sa bagong status ng anak? Hmmmp!?



***

Vice priority ang face mask at pagkain kaysa competition

 

SA panahon ngayon eh isinantabi muna ni Vice Ganda ang salitang kompetisyon.

Paano pa nga raw makikipag-compete eh wala na raw sa ere ang kanilang home network.

Kung dati eh talagang pinaghahandaan at pinagbubuti nila para sa pakikitunggali sa rating pero ngayon nga raw wala na sa isip nito ang salitang kompetisyon.

Mas priority raw ngayon ni Vice ang mga importateng pangangailangan lalo na ang face mask at pagkain.

Dagdag pa rito ang pagtulong nito sa mga pamilyang nangangailangan na grabemg naapektuhan ng Covid-19 pandemic.

Wala na nga sa isipan ni Vice ang salitang kompetisyon at malabo na mangyari ‘yun. Nami-miss man niya ang dating nakasanayan pero binago na ito ng kalaban na ‘di nakikita, ang virus na laganap sa buong mundo.

Well, well, well…’Yun na! (Jovi LLoza)