Advertisers
‘Near, far, wherever you are . . .’ make sure you’re practicing social distancing! — Canadian singer Celine Dion
ALIN mang araw sa Estados Unidos, may magigising, aalis ng kanyang tahanan at malalahok sa matinding pagdedebate sa kahalagahan ng pagsuot ng facemask habang nasa labas at nakikihalubilo sa ibang mga tao.
Sinasanay ngayon ng mga grocery store manager ang kanilang mga tauhan kung paano pakikitunguhan ang mga narereklamo nilang kostumer. Mayroon na ngang halos magsuntukan sa iba’t ibang lugar dahil sa pakikipagtalo. Sanhi ng ganitong situwasyon, may ilang mga restawran na nga ang nag-iisip na mas mabuti pang magsara na lang kaysa mapaharap sa galit ng mga taong naniniwala na ang face mask kahit nakakatulong sa pagpigil ng pagkalat ng coronavirus ay sumasagabal sa kanuilang kalayaan.
Isang JOE ROGERS ng Dallas, ang naglahad na mutnikan siyang mapaaway dahil sa pakikipagtalo ukol sa pagsuot ng mascara. Sa pila sa isang Mini-Mart, namataan niya ang isang kostumer sa kanyang likuran na hindi nakasuot ng facemask kaya napailing na lang siya.
“I wear a full face guard, the mask that they use when they spray pesticides,” ani Rogers, 47. “He reached for my mask and tried to pull it off.” Dahil sa pagkbigla sa ginawa ng lalaki, sinuntok niya ito.
Subalit dito sa atin sa ‘Pinas, hindi problema ang pagsuot ng maskara. Ang tunay na nakikita nating suliranin ay ang paulit-ulit na paglabag ng ilan sa protocol ng ‘social distancing’, na bahagi ng mga safety measure na ipinapatupad para mapigilan ang pagkalat pa ng Covid-19.
Simula pa nang pagpapasunod sa publiko ng mga quarantine measure, hiniling na sa atin na imintine o panatilihin ang isang metrong distansya sa isa’t isa kapag nasa labas ng ating mga Subalit hindi ito natutupad at ang mga tao, particular na sa mga pampublikong sasakyan, tabi-tabing nakaupo na ngayon ang mga pasahero na hindi alintana ang banta ng impeksyon at transmisyon ng coronavirus.
Marahil ay nasaksihan n’yo na ito, at nakita na nating kung paano yaong nais mag-ingat ay nakikipagdebate sa iba na ayaw sumunod sa social distancing sa loob ng bagon ng LRT o MRT. Ang totoo’y hindi nauunawaan ng lubos ng mga tao ang banta ng sakit at kung bakit pinapatupad ang mga pag-iingat. Kung sinusunod lang ba ng lahat ang mga inilatag na alituntunin ukol sa paglaban sa Covid-19 ay wala sanang argument,
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!