Advertisers

Advertisers

Charter Change and Cultural Revolution campaign, inilunsad

0 403

Advertisers

Bulacan – Ilulunsad nitong Biyernes ang kick off campaign propose Charter Change and Cultural Revolution sa pamamagitan ng motorcade at symbolic closing of old constitution and opening of new charter na gaganapin sa harap ng barasoain church..
Ayon kay Ret. Police Col.Romy Lanzarrote, na Vice President for Uniform Personel at Ret. Col. Danilo Bugay Provincial Chairman sa lalawigan.
Magsisimula ang nasabing motorcade sa Kalaw St.sa harap ng National Library ang assembly point ganap na 8:00 ngayong umaga.
Nabatid na tatahakin ng motorcade ang Edsa at Mc Arthur High hanggang sa makarating sa final destination sa makasaysayang simbahan ng Barasoain sa Malolos City.
Kung saan dito gaganpin ang Ceremonial Activity sa pagsasara ng libro nang 1987 Constitution, kasabay ang pagbubukas ng New Era, na The New Peoples Constitution Under Federal Presidential -Parliamentary Form of Government.
Inaasahang dadalo sa programa sina Dilg Asec. Martin Dino, Ormoc City Mayor Richard Gomez, City Councilor Alma Moreno at Atty. Guillermo Mamodiong.
Ayon parin sa grupo ang layun ng pagbabago ng saligang batas mula sa kasalukuyang sistema ay palitan ng pederalismong sistema upang ang kaunlaran ay maibahagi sa mga dulong kanayunan ng bansa na taliwas sa kasaluyang kaganapan na ang pag unlad ay na sesentro lamang sa Metro Manila. (Thony D. Arcenal)