Advertisers

Advertisers

‘BAGONG MANILA ZOO’ WIIL BE THE BEST IN ASIA – ISKO

0 568

Advertisers

ANG  ‘Bagong Manila Zoo’  ang siyang bubuksan sa isang taon ang magiging the best zoo in Asia.

Ito ang siyang pangako ni Manila Mayor Isko Moreno, matapos na pangunahanan nilang dalawa ni Vice Mayor Honey Lacuna ang  ground-breaking ceremony noong Sabado, July 25 o ang redevelopment ng Manila Zoological and Botanical Garden o Manila Zoo sa Malate, Manila.

Sa nasabing pagtitipon na dinaluhan din ni city engineer Armand Andres, zoo director Pio Morabe atvCouncilor Timothy Oliver ‘Tol’ Zarcal, at iba pa,  ay sinabi ni Moreno na ang bagong zoo ay inaasahang matatapos sa isang taon, makikipagkumpitensya ito sa mga best zoo sa buong daigdig, dahil sa malinis na kapaligiran at malusog na  tirahan para sa mga hayup na nakatira dito.



 

Binanggit ni Moreno na ang Manila Zoo ay itinayo may 61 taon na ang nakakaraan at ito ang kauna-unahan sa Asya, tulad din ng Maynila na siyang unang nagkaroon ng unang libreng tertiary education at unang nagkaroon ng sariling  public hospitals sa Asya.

Ikinalulungkot ni Moreno na amg dating kilalang Manila Zoo ay nauwi bilang pangunahing  polluter sa Manila Bay, kung kaya nang siya ay maging alkalde ay isinara niya muna ito hangga’t  hindi ito fully compliant sa  national government regulations.

Sa panig ni Vice Mayor Lacuna ay sinabi nito na naganap na ground breaking ay pagpapatunay na hindi totoo ang tsismis na ibebenta ng  pamahalaang lungsod  ang   Manila zoo, tulad din ng tsismis na maging ang nag-iisang forest sa Maynila sa   Arroceros ay ibebenta.

Ayon pa kay Lacuna, malalim ang dedikasyon ni Moreno billang isang serbisyo pibliko  a deeply dedicated at nagsisilbing inspirasyon sa lahat ng kanyang city officials at iba pang  local leaders sa lungsod.



Naalala pa ng bise alkalde  noong bata pa sila na madalas silang dinadala ng kanilang magulang sa Manila Zoo at sa katabing  Paraiso ng Batang Maynila na isa namang malaking palaruan na sinagot naman ni Moreno  ng: “Masuwerte kayo nakita nyo ang Manila Zoo kagaya ng kwento ni Vice Mayor nung bata pa siya. Ako sa pahina lang ng libro sa loob ng paaralan.”

Kinumpirma din ni Moreno ang mga pahayag ni Lacuna na hindi binigyang pansin ng kanyang administrasyon ang idea na ibenta ang Manilla Zoo tulad ng  ginawa ng nakaraang administrasyon

“Hindi natin ibebenta and Manila Zoo. Hindi lang ito pinagplanuhan, talagang binalak ibenta dati, pati Paraiso ng Batang Maynila, sad to say.  But, maraming salamat sa inyo, mga taga-lungsod at binigyan ninyo ako ng pagkakataon. ‘Yung commitment namin ay nakikita ninyo ngayong araw na ito.” (ANDI GARCIA/Photo by: BONG SON))