Advertisers

Advertisers

ADIK NAG-TRIP, MENOR DE EDAD NA VENDOR SINAKSAK

0 580

Advertisers

MALUBHANG nasugatan ang isang binatilyong vendor nang madaanan siya at pinag-tripan na saksakin sa tiyan ng isang lalaking hinihinalang drug addict habang nakaupo sa Port Area, Manila kahapon ng madaling araw.
Kasalukuyan nang nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Jerex Ulama, 17, ng Baseco Compound, Port Area, habang nakatakas naman ang suspek na nakilala lang na si Jayson Naves alyas ‘Datu.’
Sa ulat ng Manila Police District (MPD)- Ermita Police Station 5 (PS-5), nabatid na 1:30 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Baseco Compound.
Sa salaysay ng isang Jocelyn Balbarona, 19, na residente rin ng lugar, nakaupo lamang sa labas ng bahay ang biktima nang madaanan ito ni Naves.
Sa kabiglaananan ng biktima, bigla na lang bumunot ng patalim ang suspek at inundayan siya ng saksak sa kanang bahagi ng tiyan bago mabilis na tumakas, bitbit ang patalim na ginamit sa krimen.
Kaagad namang naisugod ng kanyang ama ang biktima sa pagamutan para malunasan.
Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspek upang mapanagot sa kanyang ginawa. (Andi Garcia)