Advertisers

Advertisers

ABOGADO SA ILOILO BUBUWELTA SA PECO!

Pag sinampahan ng disbarment

0 418

Advertisers

TINURING na “harassment” ng isang abogado sa Iloilo City ang banta ng Panay Electric Company (PECO) na kakasuhan sya ng disbarment sa Korte Suprema kasunud ng pagbubunyag niya ng pagkakaroon ng offshore companies ng dating distribution utility.

Ayon kay Atty. Zafiro Lauron, malinaw sa bantang disbarment laban sa kanya na nais syang patahimikin lamang sa isyu. Iginiit niya na hindi personal ang kanyang pag atake sa PECO bagkus ay bahagi lamang ito ng kanyang civic duty bilang isang true-bloodied Ilonggo.

Aniya, hindi lamang ang iregularidad sa pamamalakad ng PECO ang kanyang naging laban sa Iloilo bagkus marami pang mahahalagang isyu ang kanyang isiniwalat at marami naring sinampahan ng reklamo mula sa mga national at local officials, kungsaan ang huli ay ang nadiskubre niyang iregularidad sa dam project sa lalawigan.



“Kung sasampahan nila ako ng disbarment, be my guest.There’s no legal ground for that.This harassment from PECO means that they are pushing me to cow in fear. Masyado naman silang diktador. PECO should be open to criticisms, huwag sana silang onion skin”, pahayag ni Lauron.

Sinabi pa ni Lauron na hindi dapat patahimikin lagi ng PECO ang mga bumatikos sa kanila. Aniya, bagamat private entity ang kumpanya ay involve naman ito sa public activity dahil nasa linya ng power generation kaya bilang isang consumer, isang Ilonggo at abogado ay may karapatan siya sa kanyang opinyon at may civic duty din siya na isapubliko kung may nalalaman itong iregularidad.

Kaugnay nito, pinasinungalingan din ni Lauron ang pahayag ng PECO na nag-aabogado ito sa More Elctric and Power Corp (More Power) na sya nang bagong distribution utility sa Iloilo. Giit ni Lauron, wala syang anumang legal engagement dito at wala syang kilala kahit na isa mula sa kumpanya.

“Alam ng mga taga-Iloilo na isa ako sa mga lumalaban sa isyu sa aming lalawigan kaya malisyoso ang paratang ng PECO na ako ay nag-aabogado para sa More Power”, dagdag pa nito.

Nagbanta si Lauron na kung patuloy syang pagbabantaan ng PECO at gagawa ng squid tactics ay bubuwelta rin sya ng kaso laban dito.



Si Lauron ang unang nagbunyag ng pagkakaroon ng 3 offshore companies ng PECO sa Bahamas na Costa Group Investments Ltd, Prime Rose Technology  at Mega International Services na pawang nabuo noong taong 2000.