Advertisers
Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nasa 30% pa lamang na mga benepisyaryo ang napamahagian ng cash assistance mula sa ikalawang bugso ng Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, umabot na sa P2 bilyon ang halagang naipamudmod sa 3.7 milyong beneficiaries sa SAP2.
Aminado si Dumlao na maraming hamon ang kanilang kinakaharap sa pamamahagi ng ayuda ng SAP 2.
Saad pa ni Dumlao, mahirap ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga liblib na lugar dahil sa kawalan ng payout centers.
Dagdag pa ni Dumlao na target umano ng ahensiya na matapos ang pamamahagi ng digital payment ngayong buwan ng Hulyo at sa Agosto 15 naman sa mga liblib na lugar.
Nangako si Dumlao na tuluy-tuloy ang pamamahagi ng ayuda dahil naproseso na ang mga payroll at nasa financial service providers na rin ang mga ito. (Josephine Patricio)