Advertisers

Advertisers

𝐌𝐎𝐌𝐌𝐘 𝟒 𝐘𝐄𝐀𝐑𝐒 𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐍𝐆, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐓𝐀𝐘 𝐏𝐀𝐋𝐀 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐑𝐈𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐀𝐊 𝐀𝐓 ‘𝐌𝐀𝐍𝐔𝐆𝐀𝐍𝐆’

0 593

Advertisers

MATAPOS ang mahigit sa 4 taon na paghahanap, nadiskubre na hindi pala nawawala ang 54-anyos na ginang, na unang iniulat na nawawala, kundi ay pinatay at inihulog sa septic tank ng kanilang bahay sa isang subdivision sa Barangay San Agustin 3, Dasmarinas, Cavite .
Kinilala ang biktima na si Ma. Evelyn Sayos, 54, residente ng Phase 1, Villa Luisa Subdivision, Brgy. San Agustin 3 ng lungsod na ito.
Ayon kay Police Col Marlon Santos, Cavite Provincial Director, inimbitahan nila ang anak na babae ng biktima na si Joana Marie Sayos at ang kinakasama nito na si Ronald James Rubi upang isailalim sa pagtatanong hinggil sa pagkaulat nila sa nawawalang ina.
Dito na umamin si Joana sa karumal dumal na krimeng ginawa sa sariling ina.
Sa salaysay ng mga ito sa pulisya, taon 2016 nang magkatampuhan sila ng kanyang ina kung kaya sinabi nito sa kanilang pamilya na umalis ito at nagtungo sa Singapore upang hindi na hanapin.
Ayon naman sa ibang anak ng biktima, nakakatanggap sila ng text messages mula sa ina lalo na kapag may okasyon noon kung kaya hindi sila nakaisip na may masama na palang nangyari sa kanilang ina.
Taon 2018 nang pormal ng iulat na nawawala ang biktima, at nitong araw ng Miyerkules, Hulyo 22, nang makatanggap ng tip ang pamilya ng biktima hinggil sa pagkawala ng ina.
Kaya humingi ang mga ito ng tulong sa pulisya at ipinahukay ang septic tank kungsaan naniniraham ang biktima at ang suspek na anak nito at kinakasama.
Dito na bumulaga sa pulisya ang halos hindi na makilalang katawan ng isang tao kasama ang ibang mga gamit at mga personal ID ng biktima kung kaya ito nakilala.
Dito na umamin ang magdyowang suspek kung paano nila pinatay ang ina. Hinataw umano ito ng martilyo sa ulo ng kaniyang kinakasama at nang makitang buhay pa, dito na pinagtulungang pagsasaksakin sa leeg hanggang sa bawian ng buhay, bago pinagtulungang ihulog sa septic tank ng kanilang bahay.
Sa loob ng mahigit sa apat na taon, naitago ng magdyowa ang krimen at binanggit pa ng mga ito na sa tuwing mangangamoy ang katawan ng ina sa septic tank ay sinesementuhan nila ito.
Nahaharap sa kasong Murder at walang inirekomendang piyansa ang magdyowa. (𝑰𝒓𝒊𝒏𝒆 𝑮𝒂𝒔𝒄𝒐𝒏)