Advertisers
Nasa 50,063 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong bansa, ayon sa Department of Health (DOH).
Umabot naman sa kabuuang 76,444 ang kumpirmadong kaso kung saan may bagong kaso na nadagdag na 2,103.
Sa mga reported na kaso, mayroong naitalang 1,029 fresh cases at 174 late cases.
Ayon kay Health Usec maria Rosario Vergeire, ang isinumiteng resulta, galing sa 78 mula sa 90 licensed laboratories sa buong bansa.
Dagdag pa ni Vergeire, ang kabuuang recoveries na sa COVID-19, umabot na sa 24,502 dahil sa karagdagang 144.
Habang nasa 1,879 naman ang bilang ng mga pumanaw dahil sa 15 nadagdag kung saan ang fatality rate ay nasa 2.46 percent na.
Sa 15 deaths na ito, ang 11 o 73 percent ay nangyari ngayong July.
Ang 3 o 20 percent ay nangyari noong June at ang isa ay nangyari noong April.
Ang 13 deaths ay mula sa Region 7, isa sa region 3 at isang sa Region 6.
Batay sa datos, ang age range ng mga pumanaw ay mula 48 hanggang 86 years old.
Ayon pa kay Vergeire, ang 9 sa mga pumanaw nasa edad 60 pataas.
Muli namang nagpaalala si Vergire sa publiko na lalung mas maingat sa panahon ng pandemiya dahil hindi biro ang sakit na ito ay hindi kumikilala ng katayuan ng buhay. (𝑱𝒐𝒄𝒆𝒍𝒚𝒏 𝑫𝒐𝒎𝒆𝒏𝒅𝒆𝒏/𝑨𝒏𝒅𝒊 𝑮𝒂𝒓𝒄𝒊𝒂)